Dalawang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Gusto ko kasing sumulat about something pero 'di ko alam kung paano ko sisimulan. Iniisip ko kung paano ko patatakbuhin yung isusulat ko, kung anong mga salita ang dapat kong gamitin. But then again, dapat ko bang isulat yun?
Mahirap 'pag mag-isa ka. Yung kahit saan ka lumingon, 'ni hindi ka makapag-pretend na may kasama ka-- parang ganun. Ang gulo 'no? Pero sana nakikita nyo yung gusto kong iparating. Yun bang kahit sarili mo, minsan 'di mo alam paano mo kukumbinsihin sa gusto mong paniwalaan...
Hindi ako nag-e-emo. Lahat naman siguro ng tao dumadaan sa ganitong instances na parang gustong may kausapin pero gusto nalang rin na itago nalang sa sarili yung mga gustong i-share. Ang pagkakaiba lang siguro, may pagkakataon akong sumulat paminsan-minsan-- or meron akong tiyagang magsulat-- may bumasa man sa mga sinusulat ko o wala.
May mga bagay na gusto mong ipagsigawan pero alam mong walang kahit sinuman sa mga gusto mong makarinig ang makakaintindi. Sobrang hirap, wala kang choice kundi titigan nalang sila at bigla nalang ma-realize na wag nalang ituloy yung kuwento na gusto mong malaman nila. Meron naman mga bagay na nakakapagtaka na mas alam pa ng iba kaysa sa totoong alam mo sa sarili mo-- kasi buhay mo yun, pero kahit isigaw mo sa tapat ng mga mukha nila, parang immune sila sa katotohanan at manhid para tanggaping stupid sila. Kulang nalang eh i-sponsor mo sila para kumuha ng kurso tungkol sa history ng buhay mo. Pero ilan ba kayong biktima ng mga ganung sitwasyon? So hahayaan mo nalang sila hanggang matuto sila by themselves kaysa pag-aksayahan sila ng energy mo na 'di naman nila kayang ibalik sa iyo pag nasayang lang.
Minsan, may nakausap akong isang dating kakilala. Grabe, ang galing kong magpayo. Parang kaya kong sagutin lahat ng tanong nya. Lagi nalang akong may dahilan sa mga bagay na pinagtataka nya. Kaya ko syang bigyan ng lakas ng loob kasi parang naiintindihan ko ang kuwento ng buhay nya. Pero ang totoo, di ko alam kung saan ba ako tumitingin para makausap sya nang ganun. Di ko alam bakit kaya kong ipaintindi sa kanya na naiintindihan ko sya. Siguro, hindi totoo na ako ang nagbibigay ng sagot sa mga tanong nya- kundi ang sarili nya mismo. Di lang nya naririnig ang sarili nya kasi 'di sya nagmumuni-muni tulad ko. Ang totoo, nasa kanya na lahat ng gusto nyang maintindihan-- kailangan lang nya ng ibang tao para marinig nya ang sarili nya.
May mga tao tulad ko na nakikita yung mga bagay-bagay sa tahimik na lugar, yung kailangang mag-isip mg-isa at kausapin ang sarili para maramdaman kung ano ang totoo. May mga tao naman na mas naliliwanagan pag may nakakausap na ibang tao. They hear their hearts through other people and it doesn't always matter who speaks to them and how the words are made understood.
Sa buhay ng maraming tao, sobrang dami naman talagang magagandang bagay na puwedeng maging dahilan para hindi sila magreklamo at maghanap pa ng sobra. Pero, naghahangad nga ba sila ng sobra? Gaano ba karami ang sobra? Paano kung 'di sila humihinto kasi meron pang kulang?
Actually, gusto ko lang isulat na masaya ako ngayon. Masayang-masaya. Yung saya na tagos hanggang sa pinakailalim na parte ng puso-- meron ba 'nun? Meron bang lugar na ganun sa katawan ng tao? Kung wala, san yun nanggagaling? Meron bang makakapagsabi? Maniniwala ako. Kasi hindi ko yun masasagot kahit saang kisame ako tumitig. Hehehe...
Monday, January 4, 2010
Hangad mo ba ang sobra o ang kulang?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment